ALAM NIYO BA?
Na 73% ng mga kolehiyong studyante sa Chicago ay mas nagagamit ang internet sa pananaliksik ng iba’t ibang kaalaman sa akademya kaysa sa kanilang aklatan sa paaralan o di kaya naman ay sa bayan.
ALAM NIYO BA?
Na ang INTERNET ay mula sa dalawang pinagsamang salita na INTER at NETWORKING na batay sa pakahulugan ng TheFreeDictionary.com (2015) ay kilala rin bilang malawakang daluyan ng impormasyon at World Wide Web.
ALAM NIYO BA?
Sa pagaaral na ginawa ni SELWYN noong 2009 ay napatunayan na Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Facebook sa buhay ng mga estudyante.
ALAM NIYO BA?
Noong 2007, natuklasan ni KOSIK na ang Facebook ay kalimitang ginagamit ng mga estudyante sa pakikipag ugnayan sa kanilang mga kapwa magaaral upang mas madali nilang mapagusapan ang mga pangagailangan ng kurso.
ALAM NIYO BA?
Batay sa natuklasan ni DUBOFF (2007) sa kanyang pananaliksik sa Pamantasan ng Yale, ang pagkakaroon ng magandang ugnayan o palagayang loob sa pagitan ng mga guro at magaaral.
ALAM NIYO BA?
Na may mga blog na ginawa upang magbahagi ang iba’t ibang tao ng kanilang mga nalalaman tungkol sa isang bagay, ang tawag sa mga ganitong blog ay Educational blog. Isang halimbawa nito ay ang AccountingCoach.com.