Dear Internet,
Naalala ko pa dati, hindi ko masyadong nakikita ang iyong halaga sapagkat ako’y nahihilig sa iba’t ibang uri ng libro. Ngunit aking natunghayan na may isa pa palang bagay na maari kong maging sandigan sa paggawa ng aking mga takdang aralin, proyekto at iba pang mga gawaing pang-akademika sa paaralan. Sa paglipas ng panahon, nadiskubre ko ang kapangyarihan ng internet. Maaring pareho lamang ang ibinibigay ng internet at mga libro ngunit sa internet ay mas madali, mas mabilis, at mas madami akong natutunan at matututunan kumpara sa iisang aklat lamang. Naalala ko din ang winika sa amin ng aming guro sa Filipino na walang iisang aklat ang makakapantay sa internet. Maraming salamat Internet, dahil sa’yo madami akong mga bagong bagay na natutunan na talagang may malaking tulong sa paglinang ng aking akademikong pag-aaral.
Muli maraming salamat!
-Chynna M. Dela Rosa
Kung nais niyo ding magbahagi ng inyong pasasalamat sa Internet ay maari ninyo itong ipadala bilang isang sulatroniko sa chynna.delarosa95@gmail.com upang mailathala ang inyong mga liham sa blog na ito.